Throwback Thursday: Fan Girl

Posted: September 25, 2014 in Everything Misang
Tags:

Nung isang araw narinig ko sa radio ng neighbor namin yung “I Miss You Like Crazy” ng The Moffatts. Hala! Biglang naaalala ko lahat ng kabaliwan namin ng mga high school friends ko sa mga foreign boybands.

Marami akong kina-adikan nun: Hanson, Backstreet Boys, NSYNC, Boyzone, si Gil, etc. Pero pinakamalala ang The Moffatts.

IMG_5129

You’ll remember them sa mga songs na I’ll be There for You, If Life is So Short, Girl of My Dreams, at I Miss You Like Crazy.

Kung ka-age or halos ka-age ko kayo, maaalala nyo na ibinalita na nasira ang audience entrance ng ABS-CBN dahil sa mga nababaliw na babaeng gustong makapasok sa studio. Kasama kami dun haha! Pero kahit di kami nakapasok nakita namin sila dahil lumabas sila sa may bakod at kumaway-kaway sa mga fans sandali at masaya na kaming umuwi pagkatapos nun.

Nandiyang nagpaalam kami sa teacher namin sa araw ng periodical exam dahil manonood kami ng The Moffatts sa ABS-CBN, sa show dati nila Willy, John at Randy. Tandang-tanda ko nun kinanta nila yung She Loves You (Beatles) at shempre inalam ko din yung kanta para makarelate ako haha. Mga adik talaga.

Pero masayang masaya na ang aking 14-year-old self dahil nakita ko sila in person. Nakatambay pa nga kami sa lobby ng ABS-CBN tapos nakita namin yung stepmother ng mga Moffatts, hahabulin dapat namin pero hinarang kami ni Roderick Paulate…LOL!

Roderick Paulate

Madami din akong collection ng songhits nun. Dahil hindi pa uso ang Google masyado, dun kami kumukuha ng lyrics at mga poster ng Moffatts. Napuno ata wall ng kwarto ko ng posters at kung anik-anik.

IMG_5126

OO kasama to sa poster na nakadikit sa wall ng kwarto ko. (image from s642.photobucket.com)

At shempre nagconcert sila dito sa Pinas. Di ako nakanood pero somehow ay nakakuha kami ng VHS ng isa naming schoolmate na nakapanood. Pinarecord ko yun para may kopya ako at halos marindi na ang mama ko dahil araw araw kong pinapanood. Kumalat na din yun sa mga fan girl sa school. Piracy at it’s finest!

May isa pa pala. Pag may guesting sila sa MTV nun or sa channel 2 nung nandito sila, inaabangan namin yun at nirerecord sa VHS. Patong-patong na nga ang record ng VHS tape ko nun.

Pinagpupuyatan ko din yan. Kasi sa MTV nun, may parang countdown ganun. Laging may kasamang Moffatts song dun. Sa umaga yun tapos may replay yun sa 12 or 1 yata ng madaling-araw. Puyat ang peg ng lola.

Naalala ko nun ang partner in crime ko na itago natin sa name na Madam. Si Dave ang gusto nya. Pag breaktime wala kaming ibang pinagkekwentuhan kundi sila. May love story pa nga kami kung saan ang boyfriend nya ay si Dave haha! Si Scott ang super crush ko nun. Pinangarap ko talaga syang mapakasalan haha!

IMG_5130

Scott Andrew Moffatt

Kaso he broke my heart dahil sa picture na ito. Lumabas daw to sa isang German magazine at ang name ng girl ay Lara. Nakita ko ito sa isang songhits na binili namin ni Madam sa palengke. Talagang devastated ako nun haha!

IMG_5127

LOL! Naging affected talaga ako promise. Pero nagkaroon naman ako ng closure dahil dito. Ngayon-ngayon lang dahil sa kakasearch ko nakita ko itong article na ‘to.

Pero ngayon hindi na,  kasi eto na siya ngayon

I’m like, ewwww… Pogi pa din pero hindi na sya hot hehe.

At ang ex-bf ni Madam at nagcome out na pala at na-disown ata ng tatay nila. Read the full story here. They got disbanded nung 2001 yata shortly after ng coming-out party ni Dave. Tapos kanya-kanya na sila. And Dave was never again seen on public with his brothers. Tragic. LOL

But anyways, ang galing ng kanta no? It can instantly bring you back to the past or make you feel nostalgic. 16 years ang natime-travel ko dahil sa kanta na yun. Napadownload tuloy ako ng buong discography nila.

Na-na-na-na na-na-na na-na-na-na
I’ll be there…

(aminin, kinanta mo)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s