My Pregnancy and Birthing Story

Posted: August 11, 2011 in Misang's Motherhood Journey

After reading one member’s post in N@W about her birthing story, I decided to tell my own while it’s still fresh in my memory (as if makakalimutan ko yun).

July 2010

I found out that I was pregnant. My period hasn’t come yet so I decided to take the test and it’s positive. I told hubby right away and shempre sobrang happy nya. By the way, Iya is not our first baby. We had the first nung January 2010 but she was taken out nung Feb 6, 2010 at 8 weeks lang kasi wala na sya heartbeat. So ayun, we decided not to tell our family yet kasi I’m sort of nahihiya kasi kaka-D&C ko lang ng Feb tapos eto na ulit. Tapos after a week, I saw blood spots on my undies. We don’t want to lose another one so nagpa-check up na kami ulit. This time we went na kay Dr. Rosendo Roque of San Juan De Dios Hospital. He’s the one who did D&C to me. And sya ang OB ng halos lahat sa family namin, he was even the attending OB when my Ninang gave birth to my twin cousins who’s now 23 years old. Imagine that. And also, he is my mom’s OB. More info on Dr. Roque here and here.

On our check-up, nagpa-TVS ako and thankfully, the baby still has a heartbeat. I was diagnosed with Incompetent Cervix, a condition in which the cervix is weak and begins to dilate (widen) and efface (thin) before the pregnancy has reached term. Cervical incompetence may cause miscarriage or preterm birth during the second and third trimesters. In my case, at 5 weeks of pregnancy, my cervix is already starting to dilate and is relatively short, around 2.something centimeters lang. The normal length is around 3 centimeters. For those who do not know, eto ang cervix

So ayun I had short cervix nga and the only way to prevent miscarriage is the procedure called Cervical Cerclage.

For those who are brave enough, click on the photo above to watch how Cerclage is done.

The procedure was done in the DR also, like when you’re giving birth. May anesthesia din and in less than 20 minutes tapos na. I never felt anything kahit after the anesthesia has subsided. I was also advised ng bedrest for 2 months to make sure that the stitch will hold. And eventually, as the pregnancy progresses, the stitch was strong enough to hold the growing baby, I was given the go signal to go back to work.

So everything went well. I also experienced the usual preggy symptoms. Even had manas (edema) on my 6th month. Thankfully no UTI. I also gained a lot of weight. Every check-up after ng timbang, Doc would tease hubby about not being able to carry me pag manganganak na ako (haha to him, how insensitive).

December 2010

All I can say is, the worst time to have your kabuwanan is December! Ang daming food and daming sweets! Kahit bawalan nila ako, kain pa din ako. Kaya nung check up namin ng Decemeber 28, my BP was high and manas talaga ako. Hindi pa naman pre-eclampsia pero malapit-lapit na. I don’t feel anything like dizziness or just not feeling well kaya hindi ko alam na hypertensive na ako. Doc told us na I have to be admitted na for monitoring kasi nga ang taas ng BP ko. I also have to do the 24-hour urine collection to test the protein. Pag daw mataas, induced labor na ako para hindi ma-stress si baby. And ayun nga, mataas nga ang result. So they ordered me not to eat anything na kasi dadalin na nila ako sa Labor Room.

bakas na bakas sa mukha ko, lalo na sa ilong ko, ang saya ng Pasko 🙂

Before the labor pala, they have to remove the cerclage pa. Doc ordered his two residents to do that. So nung 6 pm ng December 29, they “attempted” to remove the stitches. Grabe, the pain was horrible! Hindi pa nila matanggal, ilang bese nilang ni-try. Akala yata nila hindi masakit. So I told them na masakit talaga kaya they stopped na, and hindi talaga nila kaya. They returned me sa room to rest and si Dr. Roque na daw ang gagawa sa morning. They let me eat light dinner kaso light talaga, and fetal monitoring was done every hour kaya halos no rest din.

Then the next morning, they wheeled me na sa DR ulit. They did not even give me the chance to take a bath or eat something, as in nagising ako sa pagdating nila at kukunin na nila ko. Ni hindi ko man lang na-kiss si hubby…pero nakapaghilamos naman ako. At ayun, buti naman si Doc na ang nandun and sandali lang removed na yung stitch, mga 10 mins lang siguro. Kaya lang masakit talaga. When he was done sabi nya dun sa dalawa, “O, ano mahirap dun?” (Taray ni dok!). Tapos they brought me na sa Labor room and injected na yung Oxytocin (correct me kung mali) to induce labor na.

At yun na ang start ng 24-hour horror film. Hindi ako nahihirapan sa labor, nahirapan ako sa pagpatay ng oras! Walang future sa pag-dilate ang cervix ko, hindi rin ako pwede uminom ng water, or tumayo man lang. The whole time ang ginagawa ko lang is tulog, gising, kinig sa kwentuhan, sleep ulit..ganun. Ang pinaka-exciting lang na nakita ko dun e yung kwento ng isang Doc na dinalaw ng BF nyang galing US (at 1am) na pinasalubungan sya ng IPhone at engagement ring. Kilig na kilig naman sya. Napaisip tuloy ako kung kinasal na sila. At eto pa pala isang exciting, yung katabi ko sa Labor Room, sabi lang nya “Ayan na” tapos pop! Lumabas ang baby nya. Hay, sana ganun lang din ako kadaling manganak, kaso wala pa ring future ang 1 cm na cervix ko. Yung mga mommies isa-isa nang nawawala sa LR at napapalitan ng iba pero ako andun pa din.

Namiss ko tuloy bigla si hubby. Sabi nung isang doc every hour daw tanong ng tanong kung kamusta na ako. Sa sobrang pagka-miss ko kay hubby, I somehow managed to borrow a cellphone sa isang resident dun and I texted hubby. Nung tinawagan nya ko wala na akong nagawa kundi umiyak. Sabi ko sa kanya, “ipa-CS mo na ko kay Doc, nahihirapan na ako dito, nakakainip”. Ang kwento nya sa akin, tinawagan daw nya si Doc na i-CS na ko, hehe…

And this is the moment, 6am ng December 31, sinabi ng resident (evil) na dadating na daw si Doc para i-CS na ako. Grabe after 24 hours ng fetal monitoring, BP, pag-wiwi sa bedpan, pagsipsip ng gauze na dipped sa water para lang makainom ako, eto na, narinig ko na umiyak ang baby ko. 7:19 yun ng umaga. Sayang wala ako ni-isang picture sa LR at DR. Wala tuloy picture si Iya na bagong labas pa lang.

At ayun, I spent pa mga 3 hours yata sa Recovery Room bago nila ako inilabas at nakita ko na ulit si hubby. Ni-describe ko muna sa kanya si Iya kasi 12pm pa daw ang viewing. Nandun din ang dad ko at ninang bebe ko. And ayun, sa pictures ko ulit nakita ang baby ko, ang taba-taba ng mukha nya. Ni-room in sya aroung 6 pm na that day, at dun na nag-start ang pagiging parents namin ni hubby.

Hmmm…hindi ko pa rin alam kung ano feeling ng labor, sabi nila masakit daw yun. We’ll see next time.. 🙂

eto ang baby namin

room-in time

love at first sight

Side kwento pala, while I was sleeping in the Labor Room, napanaginipan ko ang mama ko. Sabi nya sakin pasensya na daw ako kasi wala daw sya para samahan akong manganak.

Advertisements
Comments
  1. karla says:

    grabe speechless ako mama! haha — i just enjoyed reading this! (=… iya must really gave u that hard time but i can see that its all worth it!!a

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s